Tinatayang ₱170 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Quezon City

242

Arestado ang bigtime drug pusher, kasunod ng kinasang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa Roosevelt Ave., Brgy. San Antonio, Quezon City.

Aabot sa 25 kilo na hinihinalamg shabu ang nakumpiska o may street value na ₱173,400,000.

Ayon kay PLt. Roland A Vergara, nakipagkita ang suspek sa nasabing lugar para magbenta ng shabu pero hindi niya alam na pulis na pala ang ka-transakyon.


Malaking halaga rin aniya ang kanilang ginamit para mapapayag ang suspek na makipagkita sa kanila.

Kinilala ang suspek na si Rodgene Umali, 36 years old tubong Ipil, Zamboanga, pero pansamantalang nakatira sa Mabuhay, Mamatid, Laguna.

Bukod sa suspected shabu na-recover sa suspek ang ginamit na buy-bust money, cellphone at kotseng ginawa ng suspek sa iligal na transaksyon



Kasong pag labag sa Section 5 at Section 11 ng R.A 9156 ang isasampang kaso sa naarestong suspek.

Facebook Comments