TINATAYANG 5,000 BATANG BABAE SA DAGUPAN CITY, NAGKAISA SA RECOGNITION WALK PARA SA PAGGUNITA NG GIRL CHILD WEEK 2026

Nagkaisa sa isang recognition walk ang tinatayang 5,000 batang babae sa Dagupan City bilang bahagi ng paggunita sa Girl Child Week 2026 ngayong buwan ng Marso.

Sabay-sabay na nagmartsa ang mga babaeng estudyante mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod sa kahabaan ng New De Venecia Highway.

Alas-5 pa lamang ng umaga ay isinara na ang nasabing kalsada para sa Tindig Kababaihan Walk of Recognition na pormal na nagsimula alas-8 ng umaga.

Isa sa mga lumahok sa recognition walk ang estudyanteng si Ashley na nagpahayag ng paniniwala sa natatanging kakayahan ng mga kababaihan.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng Council Executive ng Girl Scout of the Philippines Dagupan Council na si Lerma Nicomedez ang kahalagahan ng aktibidad upang mapalawak ang kaalaman ng mga batang babae tungkol sa kanilang mga karapatan sa komunidad.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinagawa ang ganitong pagdiriwang sa lungsod na nagtipon ng humigit-kumulang 5,000 kalahok.

Matapos ang recognition walk, pormal na sinimulan ang programa na tampok ang mga kompetisyon at mga booth ng iba’t ibang serbisyo sa Dagupan City, kabilang ang Teen Center at Women’s Center na nagbigay ng impormasyon at suporta para sa mga batang babae. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments