Sa tuwing panahon ng holiday hinding-hindi mawawala sa listahan ng mga bakasyunista at turista ang mamasyal sa iba’t ibang pasyalan.
Sa Dagupan City, partikular na sa bahagi ng Tondaligan Beach, isa ito sa dinarayo ng ng turista kung saan ayon kay Tondaligan Beach Park Administrator Alberto Gregorio inaasahang nasa limang libong turista ang magpupunta sa naturang pasyalan ngayong panahon ng Undas at sinabayan pa ito ng long weekend.
Idinagdag pa nito na maaari ring bumisita ang mga nanalong mga kandidato sa kakatapos lamang na halalan pambarangay kung saan ang ilan sa kanila ay maaaring magpiknik bilang kanilang pagdiriwang sa kanilang pagkapanalo.
Dahil sa mas mahigpit na pagbabantay, nakikipag-ugnayan na ang kanilang pamunuan sa mga PNP Maritime at sa CDRRMO para mabantayan ang lugar pasyalan.
Itinalaga na rin ang labindalawang lifeguards upang mag monitor sa bawat galaw ng mga turista.
Patuloy naman ang paalala ng pamunuan na maging mapagmatyag at ugaliing naka-alerto sa lahat ng pagkakataon gayundin sa pagbabantay sa mga bata, hangga’t maaari rin ay ipinagbabawal ang nakakalasing na inumin.
Ang lahat ng ito ay upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod sa karagatan ngayong undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments