BJMP DAGUPAN NAKA-RED ALERT STATUS NGAYONG PANAHON NG HOLIDAY

Dahil sa inaasahang pagbisita ng mga pamilya ng mga persons deprived of liberty sa Bureau of Jail Management and Penology Dagupan ngayong panahon ng holiday.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan City Warden JSupt. Roque Constante Sison III, naka-heightened alert o red status ang kulungan ng Male and Female Dormitory dahil sa nagdaang BSKE2023 at ngayong panahon ng paggunita sa Undas.
Inaasahan aniya na bukod sa pagbisita ng mga pamilya ng mga PDLs ay inaasahan din na bibisitahin din sila ng mga mahal nila sa buhay na mula pa sa iba’t ibang lugar.

Layunin aniya ng status na ito ay upang mabantayan at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng kulungan.
Dahil dito naka-full force ang tinatayang nobenta na kawani ng BJMP para magbantay at magbigay ng serbisyo ngayong may mga mahahalagang kaganapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments