TINAWAG | CPP Founder Joma Sison, ‘Spoiled Brat’ – Defense Sec. Delfin Lorenzana

Manila, Philippines – Tinawag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na isang ‘Spoiled Brat’.

Nabatid na ipinagpaliban ng gobyerno ng peace talks na nakatakda sana sa June 28.

Ayon kay Lorenzana – nagiging desperado si Sison lalo na ang pag-uutos niya ng ‘People’s War’.


Hindi aniya alam ni Sison ang mga nangyayari sa bansa.

Una nang nilinaw ni Presidential Adviser on The Peace Process Sec. Jesus Dureza na tuloy pa rin ang peace talks pero kailangan nila ng oras para pag-aralan ang posisyon ng makakaliwang grupo tungkol sa ilang kasunduan tulad ng comprehensive agreement on social and economic reforms o caser.

Aalamin din aniya ng gobyerno ang opinsyon ng publiko hinggil dito.

Facebook Comments