TINAWAG NA BADUY | Paggamit ng mga larawan ng blockbuster movies bilang campaign materials, hindi ikinatuwa COMELEC

Manila, Philippines – Hindi ikinatuwa ng Commission On Elections (COMELEC) ang paggamit ng ilang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ng mga larawan mula sa mga blockbuster movies bilang bahagi ng kanilang campaign materials.

Nabatid na nagviral sa social media ang mga campaign posters ng mga kandidato na tila ‘Avenger Superheroes’.

Ayon kay comelec Spokesman James Jimenez – pinapababa nito ang integridad ng eleksyon at posible silang makasuhan ng copyright infringement.


Dagdag pa ni Jimenez – napaka-‘baduy’ ang pagpapatong ng mukha ng isang kandidato sa isang avenger.

Aniya, hindi ito pagandahan ng poster at ginagawa lamang tanga ang mga botante.

Pero aminado ang poll body na lampas na sa kanilang awtoridad na pagbawalan ang mga nasabing campaign posters lalo’t nakatuon lamang sila laki o size nito at sa kung saan ito ikinakabit o inilalagay.

Facebook Comments