Manila, Philippines – Tinawanan lang ng Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison na isang pagtataksil sa bayan o Treason ang ginawang paglagda ng Pilipinas at China ng isang kasunduan sa oil exploration sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, marahil ay hindi lang nabasa ni Sison ang nilalaman ng kasunduang nalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China patungkol sa nasabing usapin.
Sinabi ni Panelo, walang anomang nilalamang negatibo o maaaring maituring na pagtataksil sa bayan ang kasunduan.
Ibinida pa ni Panelo na kahit ang ilang taga oposisyon ay sumasangayon sa kasunduan.
Paliwang ni Panelo, ang nilagdaan ay kasunduan lamang para magkasundo o agreement to agree sa isang batay at ito ay isang framework pa lamang.
Matatandaan na kahit si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ay walang nakikitang masama sa kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China gayong si Carpio ay kilalang sumasalungat sa mga hakbang ng Administrasyon sa pagharap sa territorial dispute sa South China Sea.