Tindahan ng mga pekeng motorcycle accessories, sinalakay ng NBI sa Cebu

209

Mandaue City, Cebu – Nakumpiska ang aabot sa 200 piraso ng imitasyon ng break shoe bearings sa isang tindahan ng motorcycle accessories sa Mandaue City, Cebu.

Sinalakay ng mga tauhan ng NBI-Intellectual Property Rights Division (IPRD) ang Twin Motorcycle Accessories and Groceries sa pamamagitan ng search warrant.

Sa ulat, inulan ng reklamo ang nasabing tindahan dahil sa kalidad lalo na sa mga depek­tibong bearings na may tatak ng “Makoto”.


Nahaharap ang tindahan sa paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

Facebook Comments