Sundalong nakaligtas sa bakbakan sa Marawi, patay matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa Allcapan, Cagayan

275

Allacapan, Cagayan – Nasawi ang 22-anyos na sundalo na sinasabing nakaligtas sa unang yugto ng bakbakan sa Marawi City matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa nakaparadang trike sa bayan ng Allacapan, Cagayan.

Sa ulat, galing sa inuman ang biktimang si Pvt. Relly “Boy” Dalire nang sumalpok siya sa nakahimpil na traysikel na hawak ni Jayson Time sa gilid ng kalsada dahil sa mga nagkalat na graba.

Isinugod ang sundalo sa ospital pero agad ding binawian ng buhay.


Si Dalire ay binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng medalya sa kanyang katapangan at nakatanggap pa ng cash reward at bagong baril.

Facebook Comments