Tindahan tinupok ng apoy sa bayan ng Kabacan North Cotabato

19

Isang establishment ang tinupok ng apoy sa sunog na nangyari sa bayan ng Kabacan sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng umaga. Ayon kay Inspector Marleap Nabor, ang firemarshall ng Kabacan Bfp naganap ang sunog dakong alas 7:50 kahapon ng umaga sa kabubukas pa.lamang na Franz Lara Marketing na matatagpuan sa barangay Oasis sa bayan ng Kabacan. Tinatayang abot sa 2 milyong piso ang danyos sa sunog.
Wala namang nasawi at nasaktan sa sunog. Faulty wiring ang isa sa sinisilip na anggulo ng BFP Kabacan sa nangyaring sunog.( Amer Sinsuat) .

Facebook Comments