Cauayan City – Nanghihinayang ang mga tindera ng gulay sa pamilihang lungsod ng Cauayan dahil sa mababang suplay ng gulay.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Ginang Gerlita, tindera ng gulay, walang biyahe ng mga gulay sa ganitong panahon lalo na at katatapos lamang ng holiday season.
Ayon naman kay Reyma Bulan, tindera rin ng gulay, bahagyang mataas naman ang kanyang benta subalit mas mataas noong nakaraang taon dahil mas mababa ang presyo.
Dagdag pa niya, labis na naapektuhan ang kanilang kita ng halos isang taon dahil sa mga nagsusulputang mga talipapa at sidewalk vendors.
Samantala, hiling ng mga tindera sa Local Government Unit ng Cauayan na bigyang pansin ang mga ibang vendors kung may mga permits ba silang hawak ng sa ganun ay patas para sa kanila na nagbabayad ng renta.
Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!