Tindero ng fishball, balik trabaho kahit napuruhan matapos ma-hit-and-run

703
Image by Lisa Castro Jose on Facebook

Isang concerned netizen ang dumulog sa socia media para sa isang tindero ng fishball sa Malolos, Bulacan na kumakayod pa rin kahit napuruhan matapos ma-hit-and-run.

Sa Facebook, ikinuwento ni Lisa Castro Jose sinapit ni kuya Ernesto na lagi nilang pinagbibilhan ng tusok-tusok.


Ayon kay Lisa, tatlong buwan daw nawala sa puwesto o tumigil sa pagtitinda si kuya Ernesto.

Nang makabalik ay napag-alaman na nabangga at tinakbuhan ng suspek ang tindero pati na ang kanyang anak.

“Umusli ‘yung buto niya sa balikat at ‘yung anak po niyang mag-3 taon ‘e pumutok ang ulo,” kuwento ng netizen.

Wala rin daw kakilala sa lugar dahil hindi taga Malolos si kuya Ernesto, na may 12 daw na anak kasama ang mga ampon nito.

Nanawagan ang netizen ng tulong para sa pagpapagamot ng mag-ama.

Sa ngayon ay tinatalian na lang daw muna ni kuya Ernesto ang kanyang balikat.

Facebook Comments

From Advertisers