Alden Richards, nagbawas ng timbang dahil sa komento ni Direk Cathy

41
File photo

Inamin ni Alden Richards na sinabi ni Direk Cathy Garcia- Molina na kailangan niyang magbawas ng timbang para sa bagong pelikula kasama si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Alden, hinanapan siya ng panga ni Direk Cathy noong nagl-look test sila ni Kathryn at sinabing ang taba nito.


“During the look test, we did a couple of looks, kami po ni Kath. Nakikita ko na po kay direk na parang may hinahanap. Parang naghahanap po ng panga,” ani Alden sa kanilang movie press conference.

Dahil sa komento ng direktor, nagpapayat nang husto si Alden sa loob ng isang buwan bago mag-taping sa Hongkong.

Ibinahagi ni Alden na sariling sikap lamang niya ang work-out program na nakapagbawas siya ng 20 hanggang 25 pounds. Masaya naman si Alden sa naging resulta ng pagsisikap.

Aniya, nabago ang pananaw niya sa kaniyang trabaho at mas lalo pa siyang naging committed. Sinabi niyang ibinuhos niya ang lahat sa proyektong ito.

Mapapanood ang ‘Hello, Love, Goodbye’, ngayong Hulyo 31 sa mga sinehan.

Facebook Comments

From Advertisers