TINGNAN: Bea Alonzo tinawag na ‘sinungaling’ si Gerald Anderson?

5762
Screenshot via IG/@beaalonzo_solid

Agaw-pansin ngayon ang pag-like ni Bea Alonzo ng isang meme tungkol sa kasinungalingan, ilang oras matapos lumabas ang panayam ni Gerald Anderson kaugnay sa kanilang hiwalayan.

Sa Instagram post ng beaalonzo_solid, makikita ang meme ni John Lloyd Cruz na may linyang: “Kung magsisinungaling ka galing galingan mo!! – Popoy”


Screenshot via IG/@beaalonzo_solid

Maliban sa mga tagahanga ng aktres, ni-like din mismo ni Alonzo ang nasabing IG post.

Nitong Lunes, klinaro ng aktor na hindi third party ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng dating nobya.

(BASAHIN: Gerald Anderson iginiit na walang third party sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo)

“No one else was the reason, the cause of the breakup,” tugon ni Anderson sa katanungan si Julia Barretto nga ba ang sanhi ng hiwalayan.

Kamakailan, napuna din ng ilang fans na inunfollow ni Alonzo sa Instagram sina Anderson at Barretto.

Screenshot via Instagram/Bea Alonzo

 

Facebook Comments
From Advertisers