TINGNAN: ‘Boyet’ ng ‘My Special Tatay’ at ‘Elai’ ng ‘The General’s Daughter’, nagkita

Screenshot from IG/Ken Chan

Sa isang pambihira at nakatutuwang pagkakataon, nagsama sina ‘Elai’ ng ‘The General’s Daughter’ at ‘Boyet’ ng ‘My Special Tatay’.

Makikita sa Instagram account nina Ken Chan at Arjo Atayde, na parehong gumanap bilang autistic sa mga naturang teleserye, ang bidyo ng pagkikita nila.

Ayon kay Ken, malaking karangalan para sa kanila ni Arjo na isabuhay ang kuwento ng taong may autism.


“Masaya kami ni @arjoatayde at naging bahagi kami kahit papano ng kanilang buhay. Huwag natin kalimutan na ang tanging kailangan nila ay ang pagmamahal.@arjoatayde saludo ako sayo!” saad ng bida sa noo’y Kapuso teleserye.

Pahayag naman ng Kapamilya star, namiss nila ang mga ginampanang karakter kaya muli nila itong isinabuhay.

“Much freakin respect Ken! 🤘🏼. Hello from Elai and Boyet! We miss you! THANK YOU,” sambit ni Atayde.

Kahit galing sa magkatunggaling TV network, hindi nakalimutan ng dalawang aktor na magbigay-pugay sa isa’t-isa.

Facebook Comments