TINGNAN: Bus papuntang Naga, handog ang premium seats para sa mga pasahero

416
(Photo: Bicol Isarog Transport System Inc., Facebook)

Handog ngayon ng isang bus company sa Bicol ang mas malalaking upuan sa kanilang mga buses para sa mga pasahero papuntang Naga.

Nitong Linggo, ibinahagi ng Bicol Isarog Transport System Inc., sa kanilang facebook post, ang ilang litrato ng itsura ng loob ng bus kung saan makikita ang mala-sofa na mga upuan.



Ikinatuwa ng ilang netizens ang naturang promo at marami ang agad na nagtanong kung saan ang ruta ng bus at magkano per seat.

Sa larawan, makikita na mayroong pang-isahan na upuan at mayroon ding pang-dalawahan.

Ayon sa kumpanya, ang mga naturang buses ay babyahe lamang mula Cubao pa Naga.

Pagdating naman sa pamasahe, aabot sa 2,000 piso ang single oversized seat sa harap at pumapalo naman sa 1,250 ang ilang upuan.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naturang post ng bus company.

Facebook Comments

From Advertisers