PNP magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa promulgation ng desisyon sa Ampatuan massacre

280

Iniutos ni PNP OIC P/Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa kay NCRPO Director PBGen. Debold Sinas na higpitan ang seguridad sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ito ay para sa isasagawang promulgation ng desisyon sa kaso ng Ampatuan Massacre sa December 19.


Ayon Kay PNP spokesperson PBGen. Bernard Banac, siniguro rin ni Gamboa sa mga pamilya ng mga biktima ng Ampatuan Massacre na patuloy ang paghahabol ng PNP sa mga suspek sa karumal-dumal na krimen na kasalukuyang at large pa.

Handa naman daw pagkalooban ng PNP ang mahigpit na seguridad ang judge ng kaso na si Judge Jocelyn Solis Reyes RTC Branch 221 ng Quezon City.

Pero sa ngayon aniya ay wala pang natatanggap na hiling ang PNP mula kay Judge Reyes para sa karagdagang seguridad.

Facebook Comments

From Advertisers