Trend viral ngayon ang FaceApp ‘old age’ challenge sa social media kung saan makikita ang selfie ng mga netizen at artista na matandang itsura.
Magkakaroon ng realistic transformation ang gagamit ng FaceApp na galing naman mismo sa Artificial Intelligence o A.I.
Ang kasalukuyang selfie ay mapapalitan ng wrinkles, mga puti o gray na buhok o itsura paglipas ng 30 na taon.
Makikita rin dito ang panghinaharap na itsura na ikinaaliw naman ng mga netizen at nakiuso na rin ang mga artista. Kabilang na rito si Daniel Matsunaga, Maris Racal, Erwan Huesaff, Isabel Oli at John Pratts, JM De Guzman at iba pa.
https://www.instagram.com/p/B0Aq8eqn98S/
Ipinakita naman ni Maris Racal na kamukha niya ang beteranong aktres na si Nova Villa na may 6,000 likes sa Twitter.
abangan niyo po kami sa Im Ellenya L pic.twitter.com/heRrRKetXa
— Maris Racal (@MissMarisRacal) July 17, 2019
Nag-trending sa twitter ang hashtag na #FaceApp na may 193,000 tweets.