Binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa matinding buhos ng ulan sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA, bunsod ito ng habagat at low-pressure area (LPA) na namataan sa Virac, Catanduanes nitong Biyernes ng umaga.
Nagdeklara na din ng suspensyon ng pasok sa lahat ng paaralan at tanggapan ng gobyerno sa buong Metro Manila.
Ibinahagi naman ng ilang netizen sa social media ang kanilang sinapit sa masungit na panahon.
Sa litratong kuha ni Tatz Garcia, nag-mistulang swimming pool ang labas ng SM City Manila.
Saad ni Remus Aranjuez, masalimuot na ang kalagayan sa Sto. Domingo, Quezon City hanggang Recto Avenue.
Pinasalamatan ni Gianne_Fabi ang mga pulis na lumusong at tumulong para makatawid ang mga nastranded na estudyante at indibidwal.
potaaa 1st time ko maka expi ng gantong baha sa manila. Pero kudos sa mga pulis ng españa, na lumusong para mag tawid ng tao 👏👏#ManilaEncounters pic.twitter.com/YHUC5GAx81
— Giii (@Gianne_Fabi) August 2, 2019
Ayon kay Ferdinand Balean, pahirapan tumawid sa Florentino Street, Sta. Cruz sa Maynila dahil sa taas ng tubig.
Pahirapan ang pagtawid sa may Florentino Street, Sta. Cruz Manila dahil s may kataasan na ang tubig baha.@MovePH @YouScoop @gmanews @gmanewsbreaking @manilabulletin @PhilippineStar @cnnphilippines pic.twitter.com/gOFupAS14P
— ferdinand balean (@travelferdie) August 2, 2019
Batay sa kuha ni netizen WoundedHealer_L, gutter-deep na ang baha sa kanto ng Gil Puyat (Buendia) at Bautista St., sa lungsod ng Makati City.
Late na nakagising, lakas ng ulan tas traffic then baha pa sa Makati pagbaba 😅 That’s life 😂 pic.twitter.com/45gMtqTPog
— LSL 🌺 (@WoundedHealer_L) August 2, 2019