Ikinagulat at ikinamangha ng maraming netizens ang isdang tila may mukha ng tao na nakita sa isang ilog sa China.
Nadiskubre ang karpa ng isang dayo sa Miao Village noong Nobyember 7, sikat na tourist destination sa Kunming, ayon sa Daily Mail.
Sa kumalat na video sa Weibo, social media platform sa China, makikita ang isda na may mata, ilong at bibig na nahahawig ng sa tao.
“The fish has turned into a fairy,” salin ng maririnig na sinabi ng babaeng kumukuha ng 15-segundong clip.
Matagal nang kilala ang karpa sa pagkakaroon ng mga marka sa mukha na malapit sa itsura ng tao, ngunit madalang ang makakita ng mga ganito.
Noong 2009, naging laman ng balita sa South Korea ang dalawang karpa na mala-tao ang itsura na nadiksubre sa Chongju.
Noong 2010 naman, isang 44-anyos sa United Kingdom ang nakapansin na tila unti-unting nahahawig sa tao ang binili niyang karpa.