TINGNAN: Jackie Chan naki-‘fist bump’ kina Duterte, Go

399
Photo: Bong Go Facebook Page

Bukod kay Chinese President Xi Jinping, nakatagpo rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sikat na action star na si Jackie Chan sa pagbisita niya sa Beijing, China, Huwebes.

Sa mga larawang ibinahagi ni Senator Christopher “Bong” Go, makikitang game na ginawa ng action-comedy legend ang signature “fist bump” ni Duterte sa isang group photo.


Photo: Bong Go Facebook Page

Nakatanggap din ng jacket, dalawang panda stuffed toy, at ang libro ni Chan na “Never Grow Up” na inilabas noong 2015.

Hindi kasama sa opisyal na iskedyul ng pangulo para sa unang araw ng pagbisita sa China ang pagkikita nila ng aktor.

Dumating si Duterte sa naturang bansa nitong Agosto 28 para sa 6-day official visit, kung saan inaasahang igigiit ng pangulo ang arbitral ruling sa West Philippine Sea.

Facebook Comments