TINGNAN: Lalaki, tinanggalan ng balot ang mga de lata para ma-surprise umano sa kanyang kakainin

2359
(Photo courtesy: Ruzty Lex Ferrer Facebook)

Kinagiliwan sa social media ang isang lalaking nagpost ng mga hubad na de lata online para umano masurpresa siya sa kanyang kakainin.

Sa facebook na ibinahagi ni Ruzty Lex Ferrer, makikita ang ilang pirasong de lata na wala ng balot.


Sabi niya, “Gusto ko kasi ma surprise sa uulamin ko. kaya binalatan ko lahat ng de late. hahaha. yung tipong ” magluluto ako cornbeef, ay p*ta sardinas!”

Kakaibang trip ngunit mistulang ikinatuwa ng mga netizens ang naturang lalaki na ibinahagi ang kagustuhang ma-surprise sa bawat de latang kukuhanin niya at wala siyang alam kung ano ito.

Ikinuwento rin ni Ferrer sa pamamagitan ng kanyang comment na nabatukan pa umano siya ng isang kasama sa bahay dahil mahihirapan na raw sila ngayong hulaan kung anong klaseng de lata ang nasa kanilang cabinet.

Bumenta naman sa mga netizens ang naturang post na agad umani ng 31k likes at 38k shares online.

Facebook Comments

From Advertisers