‘Wowowin’ contestant, sinisi 2 kasama dahil ‘di nanalo ng P1M, bahay at lupa

1491
Video from WBR Entertainment Productions | GMA 7

“Pera at bahay na, naging bato pa”.

Viral ngayon online ang reaksyon ng isang contestant sa game show na “Wowowin” nang hindi makamit ang inaasam na “Mega Jackpot” prize.


Sa ‘Pera o Kahon’ segment noong Biyernes, makikitang sinisisi ni Nanay Sally ang dalawang kasamahan na umano’y dahilan ng pagkatalo nila.

Ayon sa babae, nararamdaman niyang nasa loob ng piniling kahon ang tumataginting na premyo. Subalit nanaig ang desisyon ng ibang kahalok na pera na lamang ang piliin.

Laman ng kayumangging kahon ang isang milyong piso, titulo ng bahay at lupa, at brand new car.

“Sabi ko nga sa inyo ‘e. Ikaw ang namili ng kayumanggi, ngayon lang sabi ko ramdam ko nandyan nandyan. Ikaw nagpera ka, kaagad agad e,” hirit ni Aling Sally sa mga kasamahang manlalaro.

Napa-“bakit ako?” na lamang ang babaeng sinisisi ng matanda.

Para maging masaya daw siya, nagpakuha na lamang si Nanay Sally ng retrato hawak ang ‘Mega Jackpot’ prize.

Pinaghati-hatian ng tatlong contestant ang perang napalunan na P80,000.

Facebook Comments

From Advertisers