TINGNAN: Lalaking gumuguhit na putol ang kaliwang braso

Courtesy Facebook/Miecah Patiño

Humihingi ng tulong ang isang netizen para sa lalaking gumuguhit na putol ang kaliwang braso.

Kuwento ni Miecah Patiño sa kanyang Facebook account, madalas makita ang Person with Disability (PWD) sa underpass ng Manila City Hall. Ballpen ang pangunahing sandata niya sa paglikha ng mga obra maestra.

Dagdag pa ng concerned citizen, hindi ito nagbibigay ng presyo sa mga ibinibentang drawings. Maari din magbigay ng poster paints, notebooks, o brushes na makatutulong talentadong kababayan.


Narito ang kabuuang post ni Patiño:

Ibinihagi rin ni Patiño ang nakabibilib na talento ng lalaki sa kanyang Twitter page. Umani ito ng 18,963 retweets at 19,273 likes.

Facebook Comments