Viral na si Buboy o ‘Hachiko Dog’, nagpaalam na sa kaniyang amo

Image via Facebook/ Kristina Demafelix

Naihatid na si Prof. Carmelito Marcelo sa kaniyang huling hantungan nitong Sabado, ang amo ng asong nag-viral na si Buboy sa isang video na patuloy pa ring nag-aantay sa kaniya na pumukaw sa puso ng mga netizens.

Nailibing na si Marcelo sa Eternal Peace Memorial Park at hanggang sa huli ay nandito pa rin ang kaniyang aso na si Buboy.

Namatay si Marcelo nitong Mayo 18 dahil sa atake sa puso.


Sinigurado naman ng pinsan ng professor na si Sally David ay maaalagaan si Buboy bagamat wala na ang amo nito.

Bumuhos ng tulong naman ang mga animal organization at pet shops kay Buboy nang mag-viral ito.

Facebook Comments