TINGNAN: Motorsiklong de kabaong, agaw-pansin online

3668
Courtesy John Kiamco

Kung may nakita umanong flying ataul sa lalawigan ng Cataduanes, meron naman naispatan na “gumagalang ataul” sa Mabolo, Cebu.

Pero ang “kabaong naglilibot”, siguradong hindi sa huling hantungan ang biyahe.


Agaw-pansin ngayon sa social media ang isang motorsiklo na dinisenyuhan ng kabaong. Sa kuhang bidyo ni John Kiamco, makikitang nakangiti at nag-peace sign pa ang rider habang pinapaandar ito.

Ibinahagi din ng uploader ang retrato ng “sasakyang ataul” habang nakaparada sa labas ng isang bahay.

Kuwento ni Kiamco, hindi niya naiwasan mapalingon at matawa nang makasalubong ang kakaibang motorsiklo.

Kaya biro ng ilang netizens, epektibo itong pampagising sa mga motorista lalo na kung makasabay sa dis-oras ng gabi o madaling araw.

Hirit naman ng iba, paalala ito sa mga drayber na maging maingat sa pagmamaneho para hindi ma-RIP o ride in peace.

Umabot na sa mahigit 1.4 million views ang video ng “gumagalang kabaong” sa Queen City of the South.

Facebook Comments

From Advertisers