TINGNAN: P100k bill na inisyu ng BSP noong 1998 Philippine Centennial Year

Image via Facebook/Bangko Sentral ng Pilipinas

Isinapubliko ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pamamagitan ng social media ang inilabas noon na P100,000 Centennial commemorative note nitong Lunes.

May haba na 22 sentimetro at lapad na 33 sentimero ang nasabing commemorative bill.

 

“Measuring 22 cm by 33 cm, the 100,000-piso Centennial Commemorative Note is the biggest legal tender issued by the BSP—both in terms of face value and dimension,” pahayag ng BSP sa kanilang official Facebook page.

Dagdag pa ng ahensiya, isang libong piraso lamang ng P100,000 bill ang kanilang inisyu  noong 1998 sa selebrasyon ng Philippine Centennial Year.


Facebook Comments