TINGNAN: Philippine Eagle napadpad sa Maasim, Sarangani Province

Courtesy Monkasa Kamal Molod
, ayon sa netizen na si Monkasa Kamal Molod.

Kamakailan, naging viral sa social media ang kuhang retrato ng binata sa tinaguriang pambansang ibon ng Pilipinas.

Inulan ng batikos sa social media ang nasabing larawan dahil sa pagkakatali ng babaeng agila na para umanong manok.

Paliwanag ni Molod, tinali nila ang hayop dahil malakas ang kuko nito at wala silang kulungan. Sandali lamang raw ito nakagapos habang hinihintay ang mga magreresponde mula sa munisipyo.

May bigat na 5 kilo, haba na 15 pulga at lawak na 1 metro ang wingspan ng nasagip na agila na pinangalanang “Maasim Pride”.

Facebook Comments