Sa Malangas, Zamboanga Sibugay, dalawang pulis, patay sa aksidente

Dead on spot ang dalawang pulis habang apat na iba pa ang nilapatan ng lunas makaraang ma-aksidente ang sinakyan nilang pickup sa national highway sa bayan ng Malangas, Zamboanga Sibugay.

 

Kinilala ang mga biktimang  namatay na sina PCpl Jourecel Jake  Celestial at  Patrolman Alexander  Laquinon Jr., nasa ospital naman ang mga sugatang sina Patrolman Stephen Ray  Alicando, Patrolman Logie Cerbo, Patrolman Arcel  Matugas at ang driver na si PCpl Rommel  Apiong.

 

Sa inisyal nga imbestigasyon habang binaybay ng Navarra pickup ang Brgy. Guilawa upang kumuha ng mga materyales sa bayan Diplahan ngunit nawalan ng control ang driver sa kurbadang bahagi.


 

Sumalpok sa punong mahogany ang naturang saksakyan at inararo pa nito ang ang nakaparadang motorsiklo.

 

Facebook Comments