Isang Burmese Python mula England na sinasabing pinakamalaking python sa buong mundo ang kasama sa sariling bahay ng amo nito.
Binili raw ni Marcus Hobbs, 31, ang alagang ahas na si Hexxie sa isang pet shop walong taon na ang nakalilipas na nasa habang 8 inches lamang at kasalukuyan ng nasa 18 ft.
“I knew she would be big but she has shocked everybody by how much she has grown,” ani Hobbs.
Kwento ni Hobbs sa South West News Service, pinakakain niya ng buhay na hayop gaya ng rabbit, bagong silang na usa, baboy at kambing ang alaga.
Dagdag pa niya, malaki rin ang ginagastos niya maging sa pagbili ng trash bags na hindi pa raw kakasya para sa dumi ni Hexxie.
Ibinahagi rin ni Hobbs kung gaano niya kamahal ang mga ahas.
Sabi niya, “I am very passionate about snakes and I try to help people understand them.”
“I think people are so scared of them because they think they are going to kill them, but if people come around, I can talk to them all day long about snakes to reassure them,” dagdag niya.
Kasama ni Hobbs at ng buong pamilya ang alagang ahas na naninirahan sa kanilang bahay.
Ayon sa kanya, hindi niya inilalabas ang alaga sa tuwing nariyan ang dalawang anak na si Monty, 1; at Shiloh, 4.
“I would only do it while they were in bed or another room. I don’t think she’d be dangerous towards them, but you have to use your common sense and I’m a responsible pet owner,” giit niya.
Ibinahagi rin ni Hobbs na muntik na siyang atakihin ng alaga nang magtangka siyang lagyan ito ng iodine sa balat dahil sa skin infection.
“She went for me. Not properly — more of a ‘back off, get away’ type of thing. She’s nipped but she’s never latched on,” saad niya.
Mayroon din umanong daan-daang ngipin si Hexxie na mistulang katulad ng kawil o panghuli ng isda.
“If she gets hold of you, you cannot pull your hand out because all the teeth are going the wrong way,” dagdag niya.
Samantala, ayon sa mga eksperto, ang naitalang pinakamalaking Burmese Python ay nasa habang 18 ft at 8 inches ngunit mas malaki umano si Hexxie.