Tampok ang larawan ng isang python na lumunok ng buong buwaya na kuha ng isang kayaker sa Queensland, Australia.
Sa Facebook post ng GG Wildlife Rescue Inc., ibinahagi nila ang proseso ng paglunok ng isang olive python sa buwaya.
Tinatayang pangalawa ang python na ito sa pinakamalaki sa buong Australia. Walang fangs o pangil ang mga python kaya’t dire-diretso ito.
Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang mga larawan.
Ani Lesley Gail, “What a lucky opportunity to be in the right place at the right time for such amazing photographs Well done.”
Biro naman ni Brien Morse na paniguradong [ang buwaya] ex niya ito noong kolehiyo.
“Hats off to the photographer. When I saw it swallowing that crocodile, I would have been gone,” ayon naman kay Nancy Carpenter.
Dagdag ni Jeanne Debae, “As gross as this is, it is absolutely amazing. Great job taking these photos.”
Ang mga buwaya ay kayang humaba ng siyam na talampakan at may bigat na 220 pulgada.