TINGNAN: Vina Morales, nagbahagi ng larawan kasama ang isang ‘mystery man’

1194

Sinorpresa ni Vina Morales ang kanyang mga follower sa Instagram nang mag-upload ang singer at aktres ng photo kasama ang isang ‘mystery man.’

Sa photo na kinunan sa Manhattan Beach, California, at may caption lang na “#VMtravels”, makikita ang hindi niya pinakilalang lalaki na nakaakbay sa kanya.


 

View this post on Instagram

 

#VMtravels

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on

 

Mabilis naman ang mga haka-haka ng ilang fans na baka ay bagong boyfriend ito ng aktres.

Habang may ilang artista naman tulad ni Ruffa Gutierrez, Zsa Zsa Padilla at Joj Agpangan, na tila kinukumpirma ang haka-haka dahil sa comments ng mga ito.

 

 

2017 nang maghiwalay si Vina at ang dalawang taong nakarelasyon na French, non-showbiz boyfriend niya.

Facebook Comments

From Advertisers