Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na may mananagot sa insidente ng pagsad-sad ng eroplano Xiamen Airlines noong nakaraang linggo na naging dahilan ng pagkakantala ng maraming flights sa Ninoy Aquino International Airport kung saan umabot sa mahigit 20 libong pasahero ang naapektuhan.
Ayon kay presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi lang paumanhin ang hihingin nila mula sa Xiamen Airlines dahil nagsasagawa na ngayon ng Imbestigasyon ang Pamahalaan sa insidente kaya kailangang may managot sa pangyayari.
Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi pinapayagang makaalissa bansa ang piloto ng Eroplano.
Sinabi ni Roque na dapat ay magkaroon ng mas matibay na contingencies ang NAIA sa mga kaparehong insidente upang hindi masyadong apektado ang mga pasahero.
Humingi narin naman aniya ng paumanhin si Transportation Secretary Arthur Tugade sa isndente kahit hindi naman kasalanan ng NAIA o ng mga Airport officials ang matinding aberya.