TINIYAK | Administrasyon, patuloy ang paglaban sa Fake News – Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na patuloy na lalabanan ng Administrasyong Duterte ang pagkalat ng Fake News, Misinformation at Disinformation para maiwasan na mabiktima ang mga inosenteng Pilipino na isa din sa panawagan ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ito ang pangunahing layunin ng isinasagawang kauna-unahang National Information Convention sa Davao City na matatapos bukas.

Sinabi ni Andanar na marami ang natutunan at matututunan ang kulang kulang 2000 information officers ng mga government Agencies mula sa mga speakers ng convention kung saan kasama dito ang ilang mamamayahag, Government Officials at maging mula sa Academe.


Makikita din aniya ang mga modernong teknolohiya na ginagamit sa modernisasyon ng mga Government Radio at Television Stations, Philippine News Agency, Philippine Informatioon Agency at Presidential Communications Operations Office.

Binigyang diin ni Andanar na ang pagkikipag-ugnayan sa mga information officers ng pamahalaan ay ang mga pangunahing lumalaban sa fake news na sineseryoso ng administrasyon.

Facebook Comments