TINIYAK | Gobyerno, ipagpapatuloy ang pagtulong sa transport sector kahit bumababa ang presyo ng langis sa world market

Manila, Philippines – Tiniyak ng Pamahalaan na hindi nito ihihinto ang mga hakbang na tutulong sa mamamayan para mabawasan ang negatibong epekto ng mataas na presyo ng langis sa harap ng 4 na linggong sunod sunod na pagbaba ng presyo nito sa world market.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na kahit na mayroong downward trend sa presyo ng langis sa world market ay inaasahan parin nila na mabilis din itong lilipas.

Pero umaasa parin naman aniya sila na hindi tataas ang presyo ng langis hanggang matapos ang taong ito.


Kaya naman kailangan parin ang pagpapatupad ng Pamahalaan ng mga hakbang para maibsan ang negatibong epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo sa mga darating pang buwan.

Ilan lang aniya sa mga ginagawa nilang hakbang ay ang pagbibigay ng fuel card vouchers sa mga operator at tsuper ng jeep at iiral ito hanggang sa susunod na taon.

Mayroon din aniyang mahigit 1000 gasolinahan sa bansa ang nagbibigay ng dikwento sa langis sa mga pampasaherong sasakyan.

Facebook Comments