TINIYAK | Ilalabas na mga bagong disensyo ng barya, siniguro ng BSP na hindi na raw nakaliito

Manila, Philippines – Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi magkakaroon ng kalituhan ang publiko sa mga bagong serye ng barya na nakatakda nilang ilabas sa hulyo.

Sa interview ng RMN Manila kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, sinabi niya na madaling makita ang pagkakaiba sa bawat halaga ng barya kaya hindi malilito ang publiko.

Ayon kay Guinigundo – sa New Generation Currency Coins, nakalagay sa bagong limang piso si Andres Bonifacio habang nasa piso naman si Dr. Jose Rizal.


Mas malaki ring ‘di hamak aniya ang limang piso kumpara sa piso.

Nagsasagawa rin ngayon ang BSP ng information drive sa bagong disenyo ng mga barya upang malaman ng publiko.

Nais aniya ng bsp na gawin nang nickel mula sa dating copper alloys sa paggawa ng barya upang mas matibay.

Pero paglilinaw ni Guinigundo, tatanggapin pa rin ang luma barya hanggang sa susunod na dalawa o tatlong taon.

Nabatid na marami ang nagreklamo sa social media sa bagong disenyo ng limang piso na una nang inilibas ng BSP noong nakaraang taon dahil napagkakamalan itong piso.

Facebook Comments