TINIYAK | Konseptong alsa masa, hindi planong buhayin ng PNP

Manila, Philippines – Malabong buhayin muli ng Philippine National Police ang dekada otsentang konsepto ng “Alsa Masa” na isang anti-communist vigilante group.

Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana.

Aniya sa ngayon pinapalakas nila ang pakikisalamuha sa komunidad para makatulong sa pagsugpo ng krimen at pagkalat ng iligal na droga.


At hindi aniya mangyayaring aarmasan ang sinuman laban sa kriminalidad.

Sa ngayon aniya, mayroong force multipliers mula sa ibat ibang ahensya na nakakatulong ng PNP.

Kinausap na rin aniya nila si CALABARZON Regional Director police chief Supt Edward Carranza kaugnay sa pahayag nitong tila binubuhay na ng PNP ang alsa Masa.

Ang gusto lang daw tukuyin ni Carranza ay ang mabuting konsepto ng volunterism ng bawat Pilipino sa kanilang komunidad.

Ang alsa masa ay isang established vigilante group na nabuo noong taong 1984 para labanan ang communist insurgency sa Barangay Agdao, Davao City.

Facebook Comments