Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi pababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mindanao sa harap na rin ng maraming reporma na ipatutupad sa buong bansa.
Ayon ky Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa kanyang pagyarap sa mga miyembro ng Hugpong ng Pagbabago sa Compostela Valley, maraming malalaking proyekto ang inilatag ng administrasyon sa Mindanao bukod pa sa pagkakaroon ng kapayapaan sa rehiyon at ang mga ito ay prayoridad ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Go na tapos na ang mga panahon na napababayaan ng Pamahalaan ang Mindanao dahil sa panahon ni Pangulong Duterte ay prayoridad nito ang development ng Mindanao.
Ilan lang aniya sa mga malalaking proyekto na nakalatag para sa Mindanao ay ang Mindanao Railway Project, irrigation project sa North Cotabato, Mindanao logistics Infrastructure network, at ang Mindanao road sector project.
Ikinatuwa naman ni Go ang pagkakapasa ng Bangsamoro Organic Bill kung saan lagda nalang ng Pangulo ang inaabangan para ito ay ganap na maging batas dahil ang kaunlaran ng Mindanao ay nakasandal din sa kapayapaan nito na matagal nang inaasam ng marami.