TINIYAK | National Housing Authority, bibigyan ng pabahay ang mga empleyado ng gobyerno, guro at pulis sa Marawi City

Manila, Philippines – Tiniyak ni National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada, Jr. na mabibigyan ng pabahay ang mga empleyado ng gobyerno, guro at pulis sa 7,000 square meters na lupain na pag-aaari ng NHA sa Marawi City.

Gagawing high rise building ang nasabing lupain na pag-aari ng NHA na nakalaan sa mga pulis, guro, empleyado ng gobyerno ng Marawi City.

Inihayag din ni Escalada na magandang ang kanilang koordinasyon sa Local Government Unit ng Marawi, benepisyaryo ng pabahay para matiyak na maayos ang nasabing proyekto at walang katiwalian.


Facebook Comments