Tiniyak ng NCRPO na handing-handa na sila para sa anibersaryo ng EDSA People Power bukas

46

Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief PMajor Gen. Debold Sinas, nakataas na sa red alert status ang Quezon City Police Department (QCPD) habang heightened alert sa ibang bahagi ng Metro Manila.

Aabot sa 2500 ang ipapakalat nila na pwersa ng kapulisan bukod pa sa 648 na mga Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel na siyang nakatuka sa daloy ng trapiko.


Sinabi ni Sinas, meron silang contingency plan sa oras na mag pangabot ang pro at anti-Duterte na mag-sasagawa ng programa sa freedom park.

Nilinaw ni Sinas na bawal ang magsunog ng effigy.

Sa panig naman ng MMDA, sinabi ni Bong Nebrija, na hindi sila magpapatupad ng road close kasabay ng pagdiriwang ng EDSA People Power.

Facebook Comments