Manila, Philippines – Tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol na priyoridad pa rin nila ang pagbili ng palay sa mga local farmers keysa mag-angkat ng imported rice sa ibang bansa.
Determinado ang DA na tulungan ang local farmers na kumita mula sa kanilang lokal na produksyon.
Para mapalakas ang local procurement ng National Food Authority (NFA), itinaas na nito ang buying price ng palay sa P20.70 kada kilo mula sa P17.
Magbibigay din ito ng iba pang mga insentibo para kumita ang isang kooperatiba ng P8,400 o higit pa sa P20.70 sa kada kilo.
Bukod pa ito sa mga farm machinery na karagdagan pang insentibo sa mga magsasaka na makakapagbenta ng malaking volume ng palay sa NFA.
Sa launching ng pagbigay ng karagdagang P3 per kilogram buffer stocking incentive sa mga magsasaka sa San Jose, Occidental Mindoro, tumanggap ng inisyal na delivery na 56 bags ng palay ang National Food Authority (NFA) mula sa people’s farmers multipurpose cooperative.