Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi maaapektuhan ng implementasyon ng second tranche ng fuel excise tax ang inflation forecast para sa taong 2019.
Ayon kay DBM Sec. Benjamin Diokno – bago pa man nila inirekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang pagpapatupad ng excise tax sa langis, kumonsulta na sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa posibleng impact nito sa inflation.
Katunayan aniya, nasa P43.4-billion ang mawawala sa gobyerno sakaling natuloy ang suspensyon ng fuel excise tax.
Kaya kahit ituloy ang pagpapataw ng excise tax sa langis, positibo si Diokno na babagal pa sa 2 hanggang 4 percent ang inflation sa 2019.
Nakikita rin kasi ng mga oil futures market ang pagbulusok ng presyo ng langis sa world market sa 60-dollars per barrel sa susunod na taon.
Nabatid na bumaba ng halos 14 percent ang presyo ng dubai crude oil, mula sa 79-dollars per barrel noong Oktubre, bumaba ito sa halagang 68-dollras per barrel nitong Nobyembre.