TINIYAK | Pamahalaan, patuloy ang pagtatrabaho para masolusyunan ang mataas na inflation rate

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi natutulog ang Gobyerno sa harap narin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos Pumalo sa 6.4% ang Inflation rate sa buwan ng Agosto na pinakamataas sa nakalipas na 9 na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kasama sa delegasyon ni Pangulong Duterte sa Israel, ginagawa ng pamahalaan ang lahat para mabigyang solusyon ang problema sa mataas na presyo ng bilihin na hinaharap ng pamilyang Pilipino.


Patuloy aniya ang pagtatrabaho ng economic team ni Pangulong Duterte at pagtitiyak na natutulungan ang mga mahihirap at pinapanatiling matatag ang kabuoang ekonomiya ng Bansa.

Facebook Comments