TINIYAK | PNP, sinigurong walang pulis ang papanig sa sinumang pulitiko ngayong panahon ng halalan

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police na wala sa kanilang hanay ang maglalakas loob na pumanig sa sinumang pulitiko ngayong nagsimula na ang paghahain ng kandidatura para sa gaganaping midterm election sa susunod na taon.

Ayon kay PNP Chief Police Director Oscar Albayalde, ilang buwan aniya bago ang ginaganap ngayong filing of Certificate of Candidancy ay nagpatupad na siya ng rigodon.

Mula aniya sa mga City Police Stations Chiefs hanggang sa mga provincial directors sa lahat ng lugar sa bansa ay nagpatupad sila ng balasahan upang masigurong walang kikilingang pulitiko ang mga pulis.


Mas mahigpit na ipinatupad aniya nila ang balasahan sa mga police officials na may mga kamag anak na kakandidato.

Nilinaw naman ni Albayalde na pansamantala lang ang pagaalis sa mga pwesto o balasahan sa mga police officials.

Sa ngayon ayon kay Albayalde, nakatuon ang mga pulis sa pagbibigay ng mas mahigpit na seguridad sa mga registration areas habang nagpapatuloy ang paghahain ng Certificate of Candidacy na magtatagal hanggang October 17.

Facebook Comments