Manila, Philippines – Tiniyak ni Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito na may pondo para sa universal health care bill kung saan sasagutin ng gobyerno ang pagpapagamot at pagpapa-ospital ng mga mahihirap.
200-billion pesos ang kailangan para sa unang dalawang taon ng pagpapatupad nito.
Ayon kay Ejercito para sa 2019 ay gagamitin sa implementasyon nito ang 70-billion pesos ang bahagi ng budget ng Dept. of Health at dagdag pang 70-billion pesos mula sa nakalaang subsidy ng Philhealth.
Ang 8-bilyong piso naman ay magmumula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO habang ang 20-bilyong piso ay kukunin sa philippine amusement and gaming corporation o PAGCOR.
Sabi ni Ejercito, bahagi ng salaping gugugulin dito sa mga susunod na taon ay kukunin naman sa isusulong na pagtaas sa buwis na ipinapataw sa sigarilyo o tobacco products.