Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas sa presyo ng manok sa merkado.
Kasunod ito ng report na umaabot na sa 170 hanggang 180 pesos ang kada-kilo ng manok sa Balintawak market sa Quezon City.
Ayon kay DTI undersecretary Ted Pascua, nanatili sa 130 hanggang 150 pesos ang kada kilo ng manok sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Aniya, walang epekto sa poultry industry ang nangyaring bird flu outbreak sa Cabiao, Nueva Ecija kamakailan.
Nanatili rin anyang sapat ang suplay ng manok at ng baboy ngayong holiday season.
Facebook Comments