TINIYAK | Second batch ng kaso kaugnay ng 11-billion shabu shipment, ikinakasa ng PDEA

Manila, Philippines – Tiniyak ng PDEA na may ikalawang batch ng kaso silang isasampa kaugnay ng 11-billion shabu shipment na isinilid sa magnetic lifters.

Ayon sa PDEA, patuloy pa ang kanilang pangangalap ng mga ebidensya laban sa ilan pang indibidwal.

Hindi naman tinukoy ng PDEA kung mga taga-gobyerno o sibilyan ang patuloy nilang ini-imbestigahan kaugnay ng shabu shipment.


Kanina, isinampa na ng pdea sa doj ang unang batch ng complaint laban sa mahigit apatnapung indibidwal

Kabilang na sina dating PDEA deputy director general ismael Fajardo, dating PNP-AIDG OIC Eduardo Acierto, Police Inspector Lito Pirote, Joseph Dimayuga at dating customs Intelligence Officer Jimmy Guban.

Facebook Comments