TINUKOY | 6 na miyembro ng basag-kotse gang, pinangalanan na ng pulisya

160

Marikina – Pinangalanan na ng pulisya ang anim na miyembro ng notoryus na basag-kotse gang na naaresto kamakailan sa kanilang hideout sa Barangay Tañong, Marikina City.

Kinilala ang lider ng grupo na si Julius Batac at ang mga kasamahan niyang sina Elvin Duanan, Rodelio Sibug, Rosana Mae Maramias, Eugenia Argawanon at Harlan Requilman.


Nabawi sa kanila ang iba’t ibang nakaw na gamit gaya ng mga laptop at cellphone.

Positibo rin silang kinilala ni Kagawad Jonnet Singaryo ng barangay san martin na umano ay kumuha ng P400,000 kita ng kanyang hardware na nakatago sa loob ng kanyang sasakyang.
Aminado naman ang mga suspek na sila ang responsible sa mga kaso ng basag-kotse sa metro manila at ilang bahagi ng Bulacan at Rizal.

Facebook Comments

From Advertisers