NAWAWALA PARIN | 2 – nawawala matapos mahulog sa ilog sa Rodriguez, Rizal

Rizal – Nawawala pa rin ang dalawang katao makaraang mahulog sa ilog habang sakay ng kanilang motorsiklo sa Rodriguez, Rizal.

Alas-4:30 kaninang madaling araw, katitila lang umano ng ulan nang mangyari ang insidente sa Barangay San Jose.

Nakaligtas ang isa pang angkas ng motorsiklo na si Joric Velasco na agad namang nakahingi ng tulong sa mga otoridad.


Nagpapatuloy pa ang search and rescue operation ng Municpal Disaster Risk Reduction and Management Office kina Eben Selga at Lander Ranara.

Facebook Comments