TINULDUKAN | Cong. Karlo Nograles, tinapos na ang spekulasyon tungkol sa pagtakbo sa susunod na halalan

Manila,Philippines – Tinuldukan na ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles ang mga haka-hakang tatakbo siya bilang Senador sa darating na halalan.

Ayon kay Nograles, hindi siya tatakbo sa halalan bagkus ay susuportahan na lamang niya ang mga pambato ng administrasyon mula sa Mindanao.

Kabilang sa mga nabanggit ni Nograles na kanyang susuportahan ay sina PDP-Laban President Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, Special Assistant to the President Bong Go, Bureau of Corrections Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, at iba pang mga tatakbong senador mula sa Mindanao.


Iginiit ni Nograles na sa kabila ng pagiging magkaribal ng kanyang ama at ng Pangulo, pinaninindigan ng kongresista ang sinumpaang pagsuporta noong 2015 kay Pangulong Duterte.

Lumutang ang pagtakbo ni Nograles bilang Senador matapos maendorso ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio at nang masama ito sa inisyal na listahan ng mga pambato ng PDP-Laban bilang senador.

Facebook Comments